Community Trust Building

Center for Indigenous Peoples Education together with National Commission on Indigenous Peoples and Public Administration Society

Beneficiaries are Domaget IP Community of Barangay Langka, Palayan City

 

 

Kalanguya School of Heritage and Living Tradition

Isang paaralan na nagsimula sa pangarap ng Kalanguya IP Group sa Carranglan at ngayon ay unti-unting naisasakatuparan dahil sa tulong ng mga tao at institusyon na naniniwala sa adbokasiya ng NCIP at NEUST-CIPE

Fingerlings Dispersal

Ika-7 ng Pebrero, 2020—Isang maikling programa ang isinagawa sa extension office ng NEUST-CIPE sa Sitio Pore, bayan ng Carranglan. Ito ay kaugnay ng Fingerlings Dispersal and Solar Lamp Distribution Project na nabuo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng National Commission on Indigenous Peoples-Nueva Ecija Provincial Office (NCIP-NEPO), NEUST-CIPE, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (Region III at Muñoz).

Labing-anim na pamilya ang nabigyan ng tilpia fingerlings. Bawat isa ay mayroong isa hanggang tatlong libong fingerlings. Sa kabuuan, umabot sa 27,000 fingerlings ng tilapia mula sa BFAR Muñoz ang naibigay sa mga benepisyaryo. Ang pamamahagi ng fingerlings ay pinangunahan ni G. Angelito Dela Cruz ng BFAR Muñoz.

Samantala, ang kinatawan ng BFAR Region III na si G. Gonzalo Coloma Jr. ay namahagi rin ng Solar Lamps. Umabot sa apatnapu’t dalawang (42) pamilya ang nakatanggap ng Solar Lamp na maaring gamitin upang makatipid sa kuryente, tanglaw sa pagbabasa, at pang charge ng cellular phone. Bukod rito ay makatatanggap rin ng libreng pagsasanay tungkol sa wastong pangangalaga ng isda ang mga benepisyaryo handog ng BFAR Region III.

Ang mga benepisyaryo ng fingerlings at solar lamp ay nagmula sa apat na barangay sa bayan ng Carranglan (Capintalan, Minuli, Salazar, at Putlan).

Ang mga gawaing tulad nito ay inaasahang makatutulong sa mga Indigenous Peoples lalo na upang sila ay magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan.

CIPE Activities for Calendar Year 2020