Early Warning Advisory No. 5

Early Warning Advisory No. 4
Ngayong 11:00 ng umaga, Nobyembre 1, 2020, ayon sa datos ng PAGASA, ang Super Typhoon (STY) “ROLLY” ay bahagyang humina at bumalik sa kategoryang Typhoon na may lakas na 215 kph malapit sa gitna at may pag bugsong aabot sa 295 kph. Ito ay namataan sa katubigan ng Pasacao, Camarines Sur.
Tinatahak nito ang rehiyon ng CALABARZON ngayong hapon na kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) # 4. Samantalang ang katimugang bahagi ng lalawigan ng Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Muñoz City, Llanera, Rizal, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, Palayan City, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Santa Rosa, Peñaranda, Gapan City, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, San Leonardo, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Santo Domingo, Quezon, Licab, Guimba, Nampicuan) ay kabilang sa mga lugar na nakailalim sa TCWS # 3.
Ating paghandaan ang matagalang pagbuhos ng ulan na maaaring maging sanhi ng pagbaha, pagguho ng lupa sa gilid ng ilog at sa kabundukan.
Patuloy na makinig, manood, at magbasa ng balita;
Sa panahong ito nararapat na naisagawa na ang paglikas tungo sa ligtas na lugar o sa itinalagang evacuation centers;
Sa evacuation center, ugaliin ang pag-iingat, pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at physical distancing.
Sumunod sa direktiba ng kinauukulan.
 
 
 
Early Warning Advisory No. 3

Base sa datos ng PAGASA ngayong 8:00 ng umaga, Nobyembre 1, 2020, ang Super Typhoon (STY) “ROLLY” ay may lakas na 225 kph malapit sa gitna at may pag bugsong aabot sa 310 kph. Ito ay namataan sa gawi ng Tiwi, Albay at kasalukuyang umabot na ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) # 5 ang nakataas sa ilang lugar.

Inaasahang tatahakin ang rehiyon ng CALABARZON ngayong hapon na kasalukuyang nakataas ang TCWS # 4. Samantalang ang lalawigan ng Nueva Ecija ay kabilang sa mga lugar na sumailalim sa TCWS #2.

Ayon sa PAGASA makakaranas ang lalawigan ng Aurora ng malakas at matinding pag-ulan. Ito ay maaaring makaapekto sa kalapit nitong probinsya at maging dahilan ng pagbaha sa mababang lugar at malapit sa kailogan. Ang babala ng landslide ay pinapaala rin sa mga naninirahan malapit sa kabundukan.

#MagingHanda
#UDRRMU

 
 
 
 
 
 
 
 
UDRRMU Early Warning Advisory No. 2
Base sa datos ng PAG ASA ngayong 8:00 ng gabi, Oktubre 31, 2020, ang Bagyong “Rolly” ay napapanatili ang lakas nito na 215 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 265 kph.
TCWS # 2
Ang iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas ay sumailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal # 2 kabilang na ang katimugang bahagi ng Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Gapan City, General Tinio, Penaranda, San Antonio, Jaen, San Leonardo, Santa Rosa, Cabanatuan City, Palayan City, Laur, Gabaldon, Bongabon)
Sa kabila ng bagyong parating ay mayroon pa ring kinakaharap na pandemya.
Maging handa at maging maagap sa panahon ng sakuna.
 
 
 
 
 
Early Warning Advisory No. 1